ARALING PANLIPUNAN I

Araling Panlipunan I-PDF Download

  • Date:11 Nov 2019
  • Views:267
  • Downloads:10
  • Pages:26
  • Size:913.78 KB

Share Pdf : Araling Panlipunan I

Download and Preview : Araling Panlipunan I


Report CopyRight/DMCA Form For : Araling Panlipunan I


Transcription:

MODYUL 2, PILIPINAS LUPAIN NG ATING L A H I, Paano natin sisimulan ang pag aaral ng Kasaysayan Sa Modyul 1 . nabatid natin na isa sa mga sangay ng pag aaral ng Agham Panlipunan ay. Heograpiya Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa. ang Kasaysayan , Sa modyul na ito sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal na. katangian o heograpiya ng ating bansa , May tatlong araling inihanda para sa iyo . Aralin 1 Katangiang Pisikal at Pinagkukunang Yaman ng Pilipinas. Aralin 2 Ang Pambansang Teritoryo, Aralin 3 Rehiyonalisasyon. Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng mga. aralin sa modyul na ito , 1 Masusuri ang katangiang pisikal ng Pilipinas tulad ng lokasyon hugis anyo .
sukat lawak at klima , 2 Matutukoy ang mga likas na yaman ng bansa na nangangailangan ng wastong. paggamit at pangangalaga , 3 Maituturo sa mapa ang mga hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas. ayon sa Saligang Batas ng 1987 , 4 Maipaliliwanag ang mga probisyon ng Doktrinang Pangkapuluan Archipelagic. Doctrine at ng Exclusive Economic Zone , 5 Matatalakay ang mga layunin at dahilan ng rehiyonalisasyon ng Pilipinas at. 6 Masusuri ang epekto ng pisikal na heograpiya sa mga pag uugali at kamalayang. pangkapaligiran at pag unlad ng bawat rehiyon , Handa ka na ba Bago ang lahat sagutin mo muna ang panimulang.
pagsusulit , 1, PANIMULANG PAGSUSULIT , Panuto Bilugan and titik ng tamang sagot . 1 Ang klimang tropikal ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na . A malayong nasa itaas ng equator, B mismong nasa equator. C banayad na nasa ibaba ng equator, D banayad na nasa itaas ng equator. 2 Ang Pilipinas ay binubuo ng pulo , A 7 707 C 7 701. B 7 107 D 7 109, 3 Ito y binubuo ng biyaya ng lupa karagatan ilog kagubatan at kapaligirang.
pangkalikasan , A likas na yaman C yamang pisikal. B yamang pantao D lakas paggawa, 4 Kasama ng Pilipinas ang bansang at iba pang mga estadong. arkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng. pandaigdigang kumperensiya sa Batas sa Karagatan . A Indonesia C Brunei, B Malaysia D Thailand, 5 Ang Saligang Batas na nagtatadhana ng lawak na nasasakop ng Pilipinas ay. ang , A Konstitusyon ng 1972 C Konstitusyon ng 1973. B Konstitusyon ng 1987 D Konstitusyon ng 1935,6 Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil .
A ito y binubuo ng mga isla na napapaligiran ng dagat sa lahat ng direksyon . B ito y napapaligiran ng dagat sa hilaga at timog . C ito y isang pulo na napapaligiran ng tubig , D ito y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga bundok at tubig . 7 Apatnapu t limang bahagdan ng kalupaan ng Pilipinas ay nagagamit sa . A pagmimina C agrikultura, B komersyo at kalakal D pangingisda. 2, 8 Ito ang sentro ng kulturang Ifugao , A Autonomous Region of Muslim Mindanao. B Cordillera Autonomous Region, C CARAGA, D Bicol Region. 9 Ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas ay ang . A Kabundukan ng Zambales, B Kabundukan ng Caraballo.
C Kabundukan ng Sierra Madre, D Kabundukan ng Ifugao. 10 Ang anyong tubig sa silangang bahagi ng bansa ay ang . A Dagat Celebes C Kanal ng Bashi, B Timog Dagat Tsina D Karagatang Pasipiko. 11 Ang Bikol o Ikalimang Rehiyon ay kilala sa buko pili at abaka Ang mga. probinsiyang katulad ng Albay at Sorsogon naman ay mahalagang. pinanggagalingan ng , A enerhiyang geothermal, B enerhiyang solar. C enerhiyang hydro electric, D enerhiyang bio gas. 12 Batay sa P D 1596 na nilagdaan noong ika 11 ng Hunyo 1978 ang Pilipinas ay. umaangkin sa bilang bahagi ng pambansang teritoryo na. nasasalig sa kasaysayan at titulong legal , A Turtle Island.
B Scarborough Shoal, C Sabah, D Mga Isla sa Kalayaan. 13 Sa Kanluran anong bansa ang kalapit ng Pilipinas . A Indonesia C Taiwan, B Vietnam D Malaysia, 3, 14 Ang lalawigan ng rehiyong ito ay kadalasang daanan ng mga ulan at bagyo . Dahil dito kilala ang rehiyon sa pagiging mahirap at sa mababang produksyon . A Rehiyon VII Gitnang Bisaya C Rehiyon VI Kanlurang Bisaya. B Rehiyon VIII Silangang Bisaya D Rehiyon I Ilocos. 15 Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa hiwalay ng mga. pulo ng Pilipinas maliban sa , A mabagal na sistema ng transportasyon. B kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan. C kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika. D pagpili ng mga pinuno sa bansa, 16 Ang matabang lupa mula sa bulkan sa lalawigan ng Davao ay lumilikha ng mga. produktong pang agrikultural Nangunguna sa buong Mindanao ang Davao sa. produksyon ng , A orkidyas C abaka, B bigas D saging.
17 Alin sa listahan ang bansa na hindi umaangkin sa mga Isla ng Spratlys . A Taiwan C Malaysia, B China D Thailand, 18 Ang pangingisda at pagsisid sa mga perlas ang mga pangunahing ikinabubuhay. sa rehiyong ito Tanyag din ang rehiyong ito sa makukulay na moske at vinta at. mga bahay sa baybaying dagat , A Rehiyon XIII C A R C Cordillera Administrative Region. B ARMM D Rehiyon IX Kanlurang Mindanao, 19 Ang tropikal na klima ng Pilipinas ay may katangiang . A maalinsangan at maulan C mainit at mahalumigmig. B mainit at maulan D maulan at mainit, 20 Ang mga Isla sa Kalayaan Spratlys ay bahagi ng . A Mindanao C Palawan, B Sulu D Batangas, 4, ARALIN 1.
KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN, Handa ka na bang magsimula Ang araling ito ay tumatalakay sa lokasyon . lawak hugis topograpiya klima at mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas Madali. lamang hindi ba , Pagkatapos ng aralin inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod . 1 Maipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon sukat at hugis ng mga rehiyon sa. kanilang pag unlad , 2 Maipaliliwanag kung paano nakatutulong sa pag unlad ng bawat rehiyon ang. mga pinagkukunang yaman nito , 3 Maiisa isa ang iba t ibang klima sa Pilipinas at. 4 Mailalarawan ang topograpiya ng Pilipinas , Gawain 1 Pag isipan Mo .
Panuto May mga salitang nabubuo mula sa letrang nakakahon Bilugan. mo ang mga nabuo mong salita na nakapaloob sa parisukat Ito ay. maaring pahalang o pahaba Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. sa ibaba , S H A P O N, I X A V I Z, L T S I N A, A I Y E D T. N M A T I X, G O X N Y P, A G T A A N, N X A M O Y. B R U N E I, K A P U L O,1 Anu ano ang mga lokasyong nasa parisukat . 2 Ano ang mga bansang tinutukoy ,3 Mayroon din bang anyong lupa sa parisukat . 5, Lokasyon Lawak at Hugis ng Pilipinas, Kung titingnan natin sa mapa nasa Hilagang Silangan ng Asya ang.
Pilipinas Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4 23 at 21 30 hilagang. latitud at ng 116 E at 127 silangang meridyan longhitud Ito ay napapaligiran ng. Bashi Channel sa hilaga Dagat ng Sulu at Celebes sa timog Dagat Pasipiko sa. silangan at Katimugang Dagat ng Tsina sa kanluran Ang Pilipinas ay may sukat na. 1 150 milya 1 850 km pahaba at 680 milya 1 060 km palapad Ang isla ng Y ami. sa Batanes ang nasa dulong hilaga samantalang Saluag Sibutu ang isla sa dulong. Timog Ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas ay ang Taiwan Tsina at Hapon. sa hilaga Vietnam Laos Kambodya Thailand at Malaysia sa kanluran at Borneo. at Indonesya sa timog , Ang ating bansa ay tinatawag na arkipelago 7 109 ang mga pulong. bumubuo sa Pilipinas 4 000 dito ay wala pang pangalan Ang Pilipinas ay may. pangkalahatang sukat na 300 000 kilometro kwadrado Ito ay higit na malaki kaysa. Gran Britanya at Ireland ngunit higit na maliit kumpara sa Hapon at Espa a Ang. mga pangunahing isla sa arkipelago ng Pilipinas ay ang Luzon sa hilaga na may. sukat na 141 395 kilometro kwadrado Ang ilan sa mas maliliit sa isla ay ang. Samar Negros Palawan Mindoro Leyte Cebu Bohol at Masbate . And Maynila ay itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi bilang kabisera noong. ika 24 ng Hunyo 1571 Ngunit noong ika 17 ng Hulyo 1948 at sa bisa ng R A 333 . naging kabisera ng Pilipinas ang siyudad ng Quezon Muling naging kabisera ang. Maynila noong ika 14 ng Hunyo taong 1976 sa bisa ng P D 940 . Topograpiya,A Anyong Lupa, Sa pangkalahatan ang Pilipinas ay mabundok kaya t sagana ito sa mga. bundok bulubundukin at lambak Ang pinakamataas na bundok ay ang Apo na. halos 2 926 82 kilometro ang taas Tatlong malalawak na bulubundukin ang. matatagpuan sa Luzon Ito ay ang Caraballo Sur sa may Abra Ilokos Norte at. Cagayan ang Caraballos Occidental na nahahati sa Cordillera Norte at. 6, Cordillera Central at ang Sierra Madre na siyang pinakamahabang tuluy tuloy. na, Tsina, Thailand, Pilipinas, Indonesia, Ang Pilipinas at mga Karatig Bansa. bulubundukin mula Cagayan hanggang Laguna de Bay Ang bulubundukin ng. Zambales ay nagsisimula sa Bolinao Pangasinan hanggang sa may. dalampasigan ng Bataan , Bilang bahagi ng Pacific Ring of fire ang Pilipinas ay kakikitaan ng halos.
50 bulkan Labintatlo 13 dito ay aktibo Ang mga pangunahing bulkan sa. Pilipinas ay ang Mayon Albay Taal Batangas Bulusan Sorsogon Didicas . 7, Kanlaon Hibok hibok at Pinatubo Ang mga pangunahing lambak o kapatagan. naman ay ang Lambak ng Gitnang Luzon at Lambak ng Cagayan sa Luzon at. ang Lambak ng Agusan at Lambak ng Cotabato sa Mindanao . B Anyong Tubig, Ang mahabang putul putol na baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 34 600. kilometro Dalawang beses itong higit na mahaba sa baybayin ng Estados. Unidos Matatagpuan ang mga look daungan at gulpo sa mga baybayin . Umaabot sa may 132 ilog ang nagagamit sa transportasyon Ilan dito ay ang. ilog ng Cagayan ilog ng Pampanga Agno at Pasig sa Luzon ilog ng Agusan at. Pulangi sa Mindanao , Ang Pilipinas ay may 59 na lawa Anim sa pinakamalalaking lawa ay ang. lawa ng Laguna lawa ng Lanao lawa ng Mainit sa Surigao del Norte lawa ng. Naujan at lawa ng Bulusan ,C Klima, Sa pangkalahatan ang klima sa Pilipinas ay may kainitan Ito ay pinahuhupa. ng simoy ng hangin galing sa Dagat ng Tsina at Karagatang Pasipiko May. dalawang panahon sa bansa tag araw at tag ulan Mula Marso hanggang. Hunyo ay tag araw kung saan pinakamainit ang buwan ng Mayo Samantala . mula Hulyo hanggang Oktubre ay tag ulan Mula Nobyembre hanggang Pebrero. ay ang malalamig na buwan Enero ang pinakamalamig na buwan na may. temperaturang 25 4 C hanggang 26 5 C May pagkakaiba ang klima sa iba t. ibang rehiyon batay sa altitud o taas ng lugar May pagkakaiba rin sa. nararanasang ulan at sa tindi ng nararanasang mga bagyo . Pinagkukunang Yaman, Palagay ko ay iyong nababatid na ang Pilipinas ay napakaraming likas na.
yaman Matataba ang ating mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at. lambak Dahil dito sagana tayo sa bigas mais buko abaka goma tubo . prutas gulay at kape Ang ating mga kagubatan ay kakikitaan ng 3 000 uri ng. 8, mga puno tulad ng apitong almon lawan guijo ipil tangili narra tindalo at. yakal Marami rin tayong mineral na metalik gaya ng ginto iron tanso pilak . platinum chromium manganese lead at zinc Mayroon ding mineral na hindi. metalik tulad ng coal langis asbestos clay gypsum lime asin buhangin . graba sulfur aspalto adobe at marmol Bilang isang arkipelago ang Pilipinas. ay mayaman sa isda at produktong dagat Dito ay may 2 400 uri ng isda at. 10 000 uri ng kabibe mga perlas at koral Ang coral reef sa Tubbataha ay ika . apat na pinakamalaki sa buong mundo at likas na tahanan ng mga isda . Gawain 2 Pagpapalalim ng Kaalaman, Pagtapat tapatin Hanapin ang epekto ng lokasyon topograpiya at. pinagkukunang yaman sa kasaysayang pangkabuhayan pampulitikal at. pangkultural ng Pilipinas Guhitan ang magkakatapat . A Lokasyon 1 Mayaman sa lupain mineral at iba t, ibang pagkain ang Pilipinas kaya t. naganyak ang mga dayuhang bansa, na sakupin ito , B Topograpiya 2 Ang pagiging mainit ng panahon sa. bansa ay nakaimpluwensya sa ating, mabagal na pagkilos at unang.
tinuligsa ng mga Kastila bilang, katamaran , C Pinagkukunang Yaman 3 Dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng. mga watak watak na pulo naging, mahirap ang pagkakaisa ng mga. Pilipino at mga pangkat etniko , 9, Tandaan Mo , Ang Pilipinas ay nasa Hilagang Silangan ng Asya . Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng 7 109 na. pulo , Mayaman ang Pilipinas sa iba t ibang anyong lupa anyong tubig. at likas na yamang galing sa kalikasan , Gawain 3 Paglalapat.
Gumuhit ng mapa ng Pilipinas sa isang papel Gawing makulay. ang mapa Punuin ito ng mga larawan ng likas na yaman na. matatagpuan sa iba t ibang rehiyon Upang magawa mo ito kinakailangang. magsaliksik ka ng mga pangunahing produkto at likas na yaman sa bawat rehiyon . ARALIN 2,ANG PAMBANSANG TERITORYO, Tatalakayin naman sa araling ito ang pambansang teritoryo ng Pilipinas . Nakabatay ito sa Saligang Batas ng 1987 Kasunduan ng Paris noong 1898 at P D. 1596 noong June 11 1978 Tatalakayin din natin ang kahalagahan ng Exclusive. Economic Zone EEZ at Pandaigdigang Kumbensyon sa Batas sa Karagatan o. International Convention on the Law of the Sea 1958 Kung ikaw ay mahilig sa. mga batas ang araling ito ay para sa iyo , Pagkatapos ng aralin inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod . 1 Maiisa isa ang batayan ng hangganan ng pambansang teritoryo . 2 Maituturo sa mapa ang hangganan ng pambansang teritoryo at. 3 Maipaliliwanag ang nilalaman ng Doktrinang Pangkapuluan at ng Exclusive. nabatid natin na isa sa mga sangay ng pag aaral ng Agham Panlipunan ay Heograpiya Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa ang Kasaysayan Sa modyul na ito sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal na katangian o heograpiya ng ating bansa May tatlong araling inihanda para sa iyo

Related Books